The Madrigals as (very specific) Filipino Family Stereotypes
Abuela Alma
- lola mong level 659 na sa candy crush
- nagshashare ng minions quotes at ai jesus art
- malaki koneksyon sa barangay
- “Pusong Bato” kinakanta sa karaoke
- solid magmajong at sumugal pero paminsan minsan lng kasama mga kumare nya tulad ni Senyora Guzman
Abuelo Pedro
- lolo mong mahilig magkaraoke pero puro “My Delilah”, “Lonely is the Man Without Love” o “Kahit Maputi ang Buhok Ko” lng kinakanta
- marerealize mo nalng pag matanda ka na na never pala syang nagkwento ng buhay nya sainyo (pero malupet backstory nila ni lola)
- nag-iisa sa pamilya na tumatangkilik padin ng dyaryo. adik din sa lotto at crosswords
Bruno
- tito mong biktima ng money extortion dahil sa mga pamangkin
- artist ng pamilya na sinususpetsa ng lahat na bading (no. 1)
- loyal subscriber at lore master ng mga madradramang teleserye
- anti sa paggamit ng pandikit sa daga
Julieta
- nanay na adik sa lotto (mana sa tatay)
- believer ng unbranded herbal medicines
- avid collector ng tupperware
- halos lahat ng mga nanay sa compound nyo kumare nya
Agustin
- tatay mong di marunong mamalengke pero laging nag uuwi ng snacks/candy
- kinalakihan mo music taste nya kase laging nagpapatugtog sa speaker pag hapon
- taga repair ng mga gamit pag nasira
Isabela
- ate mong maarte at micromanager
- lahat ng damit mo galing sa kanya
- yung nanggugulat sayo gamit mga plastik na ipis, butiki, etc
- sya ang tinatawag ng mga kapatid pag may lumilipad na ipis (hindi si Luisa)
- lahat ng barbie dolls nya dismembered na
Luisa
- ate mong di mo matatalo sa habulan, hampasan, at lahat ng larong panlabas
- atleta 1 ng pamilya
- pag naglock to sa kwarto o cr, umiiyak yan
- nakababatang kapatid na madaling utusan (utusan no. 1)
- kineep nya lahat ng stuff toys nya at niyayakap padin hanggang sa paglaki
Mirabel
- nakababatang kapatid na madaling utusan (utusan no. 2)
- pinsan mong pikunin
- dumaan sa emo phase at pizzap era pero lowkey lng para di pagtawanan
- artist ng pamilya na sinususpetsa ng lahat na bading (no. 2)
Pepa
- tita mong supplier ng mga high-quality laruan
- wine tita pero kayang talunin si tito Felix sa redhorse at gin
- “Akin Ka Nalang” at iba pang mga kantang may birit ang paboritong kantahin sa karaoke
Felix
- tito mong itinakdang host ng inuman. nagiging pilosopikal din pag lasing
- biktima din ng money extortion sa mga anak at pamangkin (pero pag inuman lang)
- nag alaga na to ng manok at some point
- commentator sa mga palabas na boxing at basketball
Dolores
- pinsang chismosa
- dumaan saglit sa jejemon phase bago naging indie girl ng pamilya at laging nagrereference ng quotes sa mga tula/pelikula/librong underrated
- ateng mahilig mang-utos sa mga kapatid
Camilo
- pinsan mong tarantado
- atleta 2 ng pamilya pero mas competitive (lagi syang talo kay Luisa)
- tirador ng handaan sa mga birthday/reunion
- nahulog na din sa kanal sa maraming okasyon
- laging naoospital nung bata kase kung ano ano ginagawa/kinakain
Antonio
- batang pinsan na tulog sa kwarto pag may birthday
- nakababatang kapatid na mahirap pagtripan kase iyakin
- nag-iisang may pakeng alagaan aso nyo
- iPad kid
#dunno if someone already made this but here it is#encanto#alma madrigal#pedro madrigal#bruno madrigal#julieta madrigal#agustin madrigal#isabela madrigal#luisa madrigal#mirabel madrigal#pepa madrigal#felix madrigal#dolores madrigal#camilo madrigal#antonio madrigal#filipino stereotypes#text#my thoughts