Lumaki akong mahilig manood ng anime sa TV, lalo na yung mga cute yung drawing tsaka light lang yung story.
Tulad nito...si Akazukin ChaCha, na pinipilit ko pang i-drawing noon, pero epic fail. Haha.
Isa si ChaCha sa pinakapaborito kong anime characters noon. Natutuwa ako pag-magla-LOVE, COURAGE and HOPE na sila nina Lia at Shiine tapos magta-transform na siya.
Hahaha. Yung isa sa mga nakakatuwa doon eh yung part na parang walang ginagawa yung kalaban nila habang nagbabagong-anyo si ChaCha. Ano na lang, nag-Starbucks muna sila--ang haba kaya ng transformation dun. Wah.
Haha. But I like the anime just the same.
Maka-miss talaga! *sigh*
Kahit paulit-ulit lang yung climax ng episodes (she'll get her magical bow and arrow or her pink blade and do some serious monster-slaying) nakaka-miss pa rin.
Seriously.
I want my childhood back! XD