Tapos na
Paulit-ulit. Paulit-ulit katulad ng mga salitang sinambit mo Na hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit ako pa ang napili mo. Paulit-ulit Paulit-ulit katulad ng pagsasabi mo ng "Mahal kita", "Special ka sakin", "Iingatan kita", "Wag mong papabayaan ang sarili mo" Ngayon, katulad ng lahat ng sinabi mo sa akin. Paulit-ulit. Paulit-ulit akong nagsisimula sa umpisa Kung saan tapos na sana dapat ako satin, sayo Pero bumalik ka Bumalik ka na parang walang nangyari Bumalik na parang hindi mo ako nasaktan Bumalik ka na parang normal lang ulit ang lahat sa'tin, sayo, sakin. Ngayon, magsisimula na naman ako sa umpisa Hindi ko alam kung paano Pero pangako magsisimula na ulit ako Magsisimula na ulit ako Hindi dahil alam kong wala na Kundi dahil kailangan ko nang tanggapin sa sarili ko na tama na Na hindi na tayo, ikaw, katulad ng dati. Hindi ka na katulad ng kung ano ang pagkakakilala ko sayo. Hindi ka na katulad ng dati na laging nagtetext Hindi ka na katulad ng dati na laging tumatawag Hindi ka na katulad ng dati na nagtatanong kung "nakauwi ka na ba?", "kumain ka na ba?" Hindi ka na katulad ng dati na lagi akong inaantay tuwing nagpupuyat ako kakaaral at sasabihan ng "matulog ka na." Hindi ka na katulad ng dati. Hindi na. Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Tutuldukan ko na lahat ng 'to Tutal mukhang ako, ako lang rin naman ang talo dito Ako lang rin naman ang totoo satin dalawa Ako lang rin naman ang paulit-ulit na nananakit sa sarili ko Umaaasang 'baka nga' Baka nga pwede pa ibalik ang dati at ituloy muli natin ang naudlot na 'tayo' Na baka nga, sa pagkakataong ito, maging mas maayos at masaya tayo Pero nagkamali pala ako. Nagkamali ako. Ako lang pala talaga ang nag-isip ng ganun Kaya eto na, titigilan ko na 'to. Ititigil ko na ang kahibangan na ito Imumulat ko na ang aking mga mata Sa katotohanan na wala naman talagang tayo.